DALAWANG buwan bago ang 2024-25 NBA season, inilagay ng analysts sina Jimmy Butler at ang Miami Heat bilang eighth placer sa Eastern Conference pagdating ng playoffs.
Papunta na muli sa play-in ang team ni coach Erik Spoelstra?
Loaded ang East sa defending champion Boston, Philadelphia, New York, Indiana, Milwaukee, Cleveland at Orlando.
Mula sa ESPN:
“The Heat, eliminated by the Celtics in the first round last season after reaching the NBA Finals the year prior, are projected to finish eighth in the standings. A spot familiar to Jimmy Butler and company after finishing there two years straight.”
Play-In teams ding sinasabi ang Indiana, Atlanta at Chicago.
Pero kung makakaiwas sa injury si Butler at dati pa rin ang dominasyon ni Bam Adebayo, dark horse ang Miami na gumitgit sa top 6.
Sa backcourt, siksikan sina Tyler Herro, Terry Rozier, Duncan Robinson, Josh Richardson at Alec Burks.
Sixth Man of the Year noong 2022 si Herro kaya hindi na matatawaran ang kalibre. Baka sina Herro at Rozier ang starting guards ni coach Spo.
Mainam din ang pinakita ni Jaime Jaquez Jr. sa kanyang rookie season, mas malamang siya ang mangunguna sa second unit. (Vladi Eduarte)